Friday, March 14, 2014

Liham para sa kanya


Anyareh sa'yo? Madalas na naten to naririnig sana sa nagbabasa nito matanong naman n'ya sa sarili n'ya 'anyareh saken?'

Babala: magulo ang sulat na ito... Baka maguluhan ka :-P

Hi, sana dumating ang isang pagkakataon na mabasa mo ito..oo, ikaw.. Sadyang mahirap para sa akin na masabi ang mga gusto kong sabihin sa'yo sapagkat ayaw mo na akong makausap pa at tila wala narin saysay ang ipagpilitan ko pa na maging magkaibigan tayo..Nalulungkot ako at talagang nasaktan ako ng husto ng sabihin mong magkalimutan na tayo; nang sabihin mo na ayaw mo na akong maging kaibigan, kapatid o anu pa man; nang sinabi mo na ordinaryong magkaibigan na lamang tayo at hindi na tayo close; at ni hindi na nga tayo nagpapansinan ngayon dahil sinabi mong 'wag na kitang kausapin dahil ayaw mo narin naman akong kausap. Sobrang saket kuya Edie. Dinadaan ko na lamang sa biro, pero ang totoo kung gaano mo karaming beses na sinabi ang mga iyon ganoon din kadaming beses nadurog ang puso ko.. Hindi ka pa nakuntento sa isang beses, inulet ulet mo pa.. Unli ka ba? Bakit mo ito ginagawa sa akin ng paulit-ulit? Sadya bang kinalimutan mo na ang pinagsamahan naten? Ang mga pangako mo ba gaya ng hindi mo ako susukuan ay nalimot mo na? Balewala na ba talaga sa'yo ang pagkakaibigan natin? Andami kong katanungan sa'yo, nakabitin lang sa hangin, walang kasagutan, walang kaliwanagan... Sinikap kong tanungin ka, makahanap ng kasagutan; ngunit sa tuwing i-a-approach kita, tinataboy mo ako at dinudurog ang aking puso na hindi pa man nakaka-recover eh sinasaktan mo nang muli.. Sana manhid nalang ako para hindi ko na maramdaman ang sakit.. Naisip ko nga na magpakamatay noong una dahil sa sobrang saket na dinulot mo. Mabuti na lamang at inisip ko na mahal ako ng pamilya ko at mahal ko din sila.. Pamilya din ang turing ko sa'yo, akala ko nga ganoon din ang turing mo sa akin.. Ngunit ngayon hindi ko na alam kung ano ang totoong nararamdaman mo at kung ano talaga ang turing mo sa akin.

Nagpapasalamat din ako sa Kanya sa pagkat sa Kanya lamang ako kumapit ng mahigpit, inilalabas ko sa Kanya ang mga saloobin ko, itinatanong sa Kanya "bakit tayo nagkaganito?"
Bakit nga ba?
Hindi ko rin alam, nagsawa ka lang ba?
Naumay?
Napagod?
Hindi mo na ba kayang panindigan ang mga sinabi mo?
Gusto mo bang takasan ang mga pangako mo?
Gusto mo bang takbuhan ang mga responsibulidad mo bilang isang kaibigan?
Hindi ba ako naging tunay na kaibigan sa'yo?
Nagkulang ba ako sa'yo?
Hindi ko din alam ang kasagutan. Habangbuhay nalamang siguro akong manghuhula ng tunay na dahilan sapagkat wala akong nakuhang maayos na kasagutan mula sa iyo... Naiisip ko, hindi ka man lang ba nakokonsyensya? 'O di kaya naman hindi mo man lang ba ako naaalala? Ang mga pinagsamahan naten?
Gusto ko itanong, paano mo nagawang kalimutan ang lahat ng iyon ng ganoon kadali lamang?
Paanong tila wala ka ng pakialam pa?
Ayaw mo na ba talagang magkaayos pa tayo?
Paano mo ito naaatim? Gayong kung kaisa ka sa Kanya dapat sinisikap mong maayos ang iyong relasyon sa lahat at maging huwaran.
Sana ituro mo rin sa akin ang iyong pamamaraan para makalimot at magbalewala ng sa gayon maging panatag narin ang aking kalooban at maghilom na ng tuluyan ang sugatan kong damdamin.

Hindi ka man lang humihingi ng tawad sa mga nasabi mong iyon kahit na hindi lingid sa iyong kaalaman na nakakasakit ka. Pinapatawad na kita sa iyong mga nagawa. Sana magawa mo ang dapat mong gawin bago mahuli ang lahat. Kung may takot ka sa Kanya, magkakaroon ka ng conviction sa mga nagawa mo at mabuhay ka nawa sa purong katotohanan at walang pagpapanggap. Harapin mo sana ang mga bagay na dapat mong harapin.

Ngayon na nabasa mo na ito, nawa ay bigyan mo man lamang ng linaw ang lahat ng iyon kung hindi man tayo magkakaayos pa.

Sabi nila wala daw hindi naayos sa pag-uusap ngunit binibigyan mo ako ng idea na ayaw mo ng maayos pa ito sa tuwing sinasabi mo na ayaw mong mag-usap tayo.

Hindi ko alam kung nasabi ko na ang lahat dito. Kung hindi man siguro okay na iyon, ang mahalaga naipahayag ko na ang aking damdamin. Inaamin kong hanggang ngayon nasasaktan parin ako sapagkat mahal kita, kaibigan kita weh, gaya nga ng sinabi ko itinuring kitang kapamilya, parang tunay na kapatid. Hindi ko lamang akalain na balewala lang sa iyo iyon. Hindi mo pinahalagahan. Naalala ko ng binigyan kita ng second chance sa sinira mong tiwala, pero ito lang ang napala ko, ang iwan mo sa ere ng ganoon na lamang.

Ang sabi mo noon nasakal ka, pero noong una pa lamang tinanong ko sa iyo, anu ba ang gusto mo, walang pakialamanan o may pakialam sa isa't-isa? Ang sagot mo gusto mo may pakialam.
Sabi mo nae-enjoy mo ang kalayaan mo na walang nangenge-alam sa'yo nung binigyan kita ng "me time" na sinasabi mo... Ibig bang sabihin noong una palang hindi ka na naging tapat sa mga sinasabi mo?

Napapagod na ako... Tama na, ayaw ko ng umiyak pa.. Sana matapos na ang lahat mga pagsubok na ito sa pagitan nating dalawa.

Sana nga nag-away nalang tayo ng pisikal.. as in suntukan, sampalan, bugbugan because it will heal for such a time...but you break my heart into smallest pieces... pieces that are really hard to find now and I don't know when will it fully recover... :(


No comments:

Post a Comment