Sunday, March 30, 2014

kras is looking, I look away!

Dear diary, . . . CHARING! hahaha..
okay iba nalang... Dear Charo, . . .  MMK?.. hehehe..

Wala lang panay kalokohan ang naiisip ko weh.. hihihihihi..

Last time kasi gabi na akong nakapag-out.. hindi ko akalain na nag e-exist pa pala si kras sa paligid.. and then, ugali ko kasi na tumingin sa bintana pag pauwi na ako...
(feeling mo ugali ko tumingin sa kanya tuwing uwian?.. echusera.)
No, sa window talaga ako tumitingin. It is because sa window sa likod ko nakikita ang paglubog ng araw. I am just checking kung may araw pa ba sa labas.
Eh ang kaso.. ehem.. this is the kilig part :P
Pag tingin ko saktong nakatingin si kras.. saken?.. sana nga saken talaga weh.. hindi lang saken basta nakatingin as in NAGKATINGINAN pa kame :-|
... like am so shock I really didn't expect na mga 3 seconds din kaming nakatingin sa isa't isa.. and then unti unti kong binaling yung tingin ko sa window sa likod n'ya at inusad ng onti pakaliwa dahil...
AWKWARD!!! X-D

Kyaaaaaaaaaaahhh! baket s'ya nakatingin?.. ano 'to abangers?
Feelingerang frog lang?..
Well nahiya ako kaya ako talaga ang unang umiwas ng tingin.. bakit kasi dun pa sa tapat n'ya mejo nakaopen yung window.. dun kasi sa ibang part nakababa yung cover. >_<

Wala lang, nakwento ko lang.. binasa mo naman, kunwari ka pa :P hahaha..
Thanks.

Saturday, March 29, 2014

Overheard (True friends)

I woke up this morning with the radio on...
Suddenly the DJ talks about friendship...
He says "Ang tunay na kaibigayn ay maaaring ituring na tanging yaman" (True friends can be the only wealth we have)...
Keep our true friends, treasure them like a precious diamond, rare and hard to find.

http://ashadeofpen.wordpress.com/tag/endurance/
Even if you don't have all the wealth in the earth, if you have true friends, you can go through the ups and downs of life... When you fall down, and when you're at your worst, true friends will fall down with you laughing then help you get up, then they love you at your worst to bring out the best in you.

A friend loves at all times, and a brother is born for a time of adversity.
 ~ Proverbs 17:17

Thank you for my crazy yet true friends.

Monday, March 24, 2014

Say Something

Like a child I cried
it's just that there's no sound.
Like a child I hug my knees,
no body knows, no one seem to understand.
I hope I only have wounds on my knees
but it is fine
what I have is a wound on my heart
you left without a word...
Now I am left alone.
I don't know what to do.
I give up.
Say something, I'm giving up on you.

This is my thought while listening to this song.. I don't want to give up though.. but sometimes, it's the only option left. But a friend of mine said.. you can take some rest but don't give up. 

I wish things are as easy at that.

 

I don't own this video. Thanks.

Monday, March 17, 2014

The message I want to tell

The message I want to tell you was in the lyrics of this song... please listen well . . .


I don't want to just give up, I just hope you didn't give up :(

Friday, March 14, 2014

Liham para sa kanya


Anyareh sa'yo? Madalas na naten to naririnig sana sa nagbabasa nito matanong naman n'ya sa sarili n'ya 'anyareh saken?'

Babala: magulo ang sulat na ito... Baka maguluhan ka :-P

Hi, sana dumating ang isang pagkakataon na mabasa mo ito..oo, ikaw.. Sadyang mahirap para sa akin na masabi ang mga gusto kong sabihin sa'yo sapagkat ayaw mo na akong makausap pa at tila wala narin saysay ang ipagpilitan ko pa na maging magkaibigan tayo..Nalulungkot ako at talagang nasaktan ako ng husto ng sabihin mong magkalimutan na tayo; nang sabihin mo na ayaw mo na akong maging kaibigan, kapatid o anu pa man; nang sinabi mo na ordinaryong magkaibigan na lamang tayo at hindi na tayo close; at ni hindi na nga tayo nagpapansinan ngayon dahil sinabi mong 'wag na kitang kausapin dahil ayaw mo narin naman akong kausap. Sobrang saket kuya Edie. Dinadaan ko na lamang sa biro, pero ang totoo kung gaano mo karaming beses na sinabi ang mga iyon ganoon din kadaming beses nadurog ang puso ko.. Hindi ka pa nakuntento sa isang beses, inulet ulet mo pa.. Unli ka ba? Bakit mo ito ginagawa sa akin ng paulit-ulit? Sadya bang kinalimutan mo na ang pinagsamahan naten? Ang mga pangako mo ba gaya ng hindi mo ako susukuan ay nalimot mo na? Balewala na ba talaga sa'yo ang pagkakaibigan natin? Andami kong katanungan sa'yo, nakabitin lang sa hangin, walang kasagutan, walang kaliwanagan... Sinikap kong tanungin ka, makahanap ng kasagutan; ngunit sa tuwing i-a-approach kita, tinataboy mo ako at dinudurog ang aking puso na hindi pa man nakaka-recover eh sinasaktan mo nang muli.. Sana manhid nalang ako para hindi ko na maramdaman ang sakit.. Naisip ko nga na magpakamatay noong una dahil sa sobrang saket na dinulot mo. Mabuti na lamang at inisip ko na mahal ako ng pamilya ko at mahal ko din sila.. Pamilya din ang turing ko sa'yo, akala ko nga ganoon din ang turing mo sa akin.. Ngunit ngayon hindi ko na alam kung ano ang totoong nararamdaman mo at kung ano talaga ang turing mo sa akin.

Nagpapasalamat din ako sa Kanya sa pagkat sa Kanya lamang ako kumapit ng mahigpit, inilalabas ko sa Kanya ang mga saloobin ko, itinatanong sa Kanya "bakit tayo nagkaganito?"
Bakit nga ba?
Hindi ko rin alam, nagsawa ka lang ba?
Naumay?
Napagod?
Hindi mo na ba kayang panindigan ang mga sinabi mo?
Gusto mo bang takasan ang mga pangako mo?
Gusto mo bang takbuhan ang mga responsibulidad mo bilang isang kaibigan?
Hindi ba ako naging tunay na kaibigan sa'yo?
Nagkulang ba ako sa'yo?
Hindi ko din alam ang kasagutan. Habangbuhay nalamang siguro akong manghuhula ng tunay na dahilan sapagkat wala akong nakuhang maayos na kasagutan mula sa iyo... Naiisip ko, hindi ka man lang ba nakokonsyensya? 'O di kaya naman hindi mo man lang ba ako naaalala? Ang mga pinagsamahan naten?
Gusto ko itanong, paano mo nagawang kalimutan ang lahat ng iyon ng ganoon kadali lamang?
Paanong tila wala ka ng pakialam pa?
Ayaw mo na ba talagang magkaayos pa tayo?
Paano mo ito naaatim? Gayong kung kaisa ka sa Kanya dapat sinisikap mong maayos ang iyong relasyon sa lahat at maging huwaran.
Sana ituro mo rin sa akin ang iyong pamamaraan para makalimot at magbalewala ng sa gayon maging panatag narin ang aking kalooban at maghilom na ng tuluyan ang sugatan kong damdamin.

Hindi ka man lang humihingi ng tawad sa mga nasabi mong iyon kahit na hindi lingid sa iyong kaalaman na nakakasakit ka. Pinapatawad na kita sa iyong mga nagawa. Sana magawa mo ang dapat mong gawin bago mahuli ang lahat. Kung may takot ka sa Kanya, magkakaroon ka ng conviction sa mga nagawa mo at mabuhay ka nawa sa purong katotohanan at walang pagpapanggap. Harapin mo sana ang mga bagay na dapat mong harapin.

Ngayon na nabasa mo na ito, nawa ay bigyan mo man lamang ng linaw ang lahat ng iyon kung hindi man tayo magkakaayos pa.

Sabi nila wala daw hindi naayos sa pag-uusap ngunit binibigyan mo ako ng idea na ayaw mo ng maayos pa ito sa tuwing sinasabi mo na ayaw mong mag-usap tayo.

Hindi ko alam kung nasabi ko na ang lahat dito. Kung hindi man siguro okay na iyon, ang mahalaga naipahayag ko na ang aking damdamin. Inaamin kong hanggang ngayon nasasaktan parin ako sapagkat mahal kita, kaibigan kita weh, gaya nga ng sinabi ko itinuring kitang kapamilya, parang tunay na kapatid. Hindi ko lamang akalain na balewala lang sa iyo iyon. Hindi mo pinahalagahan. Naalala ko ng binigyan kita ng second chance sa sinira mong tiwala, pero ito lang ang napala ko, ang iwan mo sa ere ng ganoon na lamang.

Ang sabi mo noon nasakal ka, pero noong una pa lamang tinanong ko sa iyo, anu ba ang gusto mo, walang pakialamanan o may pakialam sa isa't-isa? Ang sagot mo gusto mo may pakialam.
Sabi mo nae-enjoy mo ang kalayaan mo na walang nangenge-alam sa'yo nung binigyan kita ng "me time" na sinasabi mo... Ibig bang sabihin noong una palang hindi ka na naging tapat sa mga sinasabi mo?

Napapagod na ako... Tama na, ayaw ko ng umiyak pa.. Sana matapos na ang lahat mga pagsubok na ito sa pagitan nating dalawa.

Sana nga nag-away nalang tayo ng pisikal.. as in suntukan, sampalan, bugbugan because it will heal for such a time...but you break my heart into smallest pieces... pieces that are really hard to find now and I don't know when will it fully recover... :(